Engineer binagsakan ng barbel sa mukha, todas

Isang 36-anyos na engineer ang natagpuang patay katabi ang isang ‘barbel’ na hinihinalang ginamit na pampatay dito kahapon ng madaling-araw.

Hindi makilala ang mukha ni Prospero Zamora Jr., isang civil engineer ng Cubao, Quezon City, na binagsakan ng 10 lbs. (4.5 kilos) na barbel na natagpuan sa tabi nito.

Sa ulat ni Supt. Rosendo Franco ng Central Police District (CPD) Station 7, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang matagpuan ng kanyang kaibigang si Rogelio Almazan ang bangkay ng biktima sa inuupahang bahay nito.

Ayon sa pulisya, hinihinalang nilooban ang biktima at nanlaban ito kung kaya’t pinatay dahil sa nawawala rin ang cellphone nito at pitaka.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng nasabing pamunuan sa anggulong paghihiganti ang motibo sa paspaslang sa una. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments