Dead-on-arrival sa Parañaque Medical Center ang biktimang si Anacleto Aquino, 41, stay-in sa Philippine-Japan Group of Companies sa #8472 Km. 18, East Service Road, Brgy. Marcelo, Parañaque City, sanhi ng tama ng bala sa dibdib buhat sa hindi batid na kalibre ng baril.
Kaagad na tumakas ang hindi pa nakikilalang suspects matapos ang krimen sakay ng walang plakang motorsiklo.
Ayon kay SPO3 Jay Vargas ng Police Community Precinct (PCP) 4, Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:40 ng hapon sa kahabaan ng Hernandez Ave., Brgy. San Antonio Valley 1, Sucat.
Nag-withdraw ng nabanggit na halaga ang biktima kasama ang messenger na si Reynaldo Ballares, 21, sa Metro Bank upang pansuweldo sa mga kawani ng nabanggit na kompanya.
Sakay ng Nissan Urban ang biktima at binabagtas ang Hernandez Ave. nang harangin ng mga suspect.
Nagdeklara ng holdap ang mga suspect at tinutukan ang dalawa ngunit pumalag si Aquino kaya inunahan siya ng mga ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)