Ito ang siyang nakasaad sa panukalang kautusan na iniakda ni sixth district Councilor Lou Velozo.
Sinasaad sa kanyang panukala na ang Ilog Pasig na datiy paboritong pasyalan, paliguan at palipasan ng oras ay hindi na katulad ng dating matulaing lugar na madalas na gamitin sa mga obra ng kilalang manunulat sa bansa.
Ang Ilog Pasig ay larawan ngayon ng isang lagim na anumang sandali ay magdududlot ng kamatayan at sakuna sa mga hindi nakakabatid na biktima.
Sinabi ni Velozo na dahil sa ang ilog ay mayroong tinatawag na heavily silted floor ay naging tila kumunoy ito dahil sa sobrang putik na sa ilalim nito.
Dahil dito ang paliligo sa ilog ay isang delikadong gawain dahil maaaring mahigop o mabitag ang sinumang maliligo dito ng sobrang kapal na putik sa flooring at gayundin naman ng undercurrent na daloy ng tubig nito sa ilalim.
Ang sobrang dumi o polusyon sa Ilog Pasig ay maaari mang malusutan ng sinumang maliligo dito, ngunit ang long term effect nito sa balat.
Hinikayat din na ipagbawal na ang Ilog Pasig bilang passage way ng mga cargo vessel dahil sa peligrong dulot nito sa mga sasakyang pantubig. (Ulat ni Andi Garcia)