One-stop shop -taxpayers lounge, pormal nang binuksan
December 11, 2001 | 12:00am
Pinangunahan kahapon ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. at Vice-mayor Herbert Bautista ang pagbubukas ng One Stop Shop- Taxpayers Lounge para sa lahat ng residente ng Quezon City na magbabayad ng buwis sa lokal na pamahalaan.
Ang naturang lounge ay matatagpuan sa mezzanine floor ng Quezon City hall ay fully-airconditioned, may libreng juice o kape at may 15 counters na magbibigay ng mas maayos na akomodasyon sa mga magbabayad ng real property tax, business permit at iba pang bayarin sa Quezon City hall.
Binigyang diin ni Mayor Belmonte na ang naturang hakbang ay bahagi ng kampanya ng pamahalaang lungsod na mabigyan ng kagaanan ang mga taga-lungsod sa pakikipag-transaksyon sa city hall sa mabilis na serbisyo sa publiko.
Ayon naman kay City Treasurer Victor Endriga na ang taxpayers lounge ay magbubukas mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mula araw ng Lunes hanggang Sabado. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended