Ayon kay Health Secretary Manuel Dayrit, nais lamang ng kagawaran na maging available ang nasabing droga sa buong Pilipinas bilang pangunahing sandata panlaban sa sakit, partikular na sa mga pasyenteng dumaranas ng terminal cancer.
Nabatid na may importation order na ang kagawaran para sa 50 kilogram ng morpina, na karamihan ng mga doktor sa kasalukuyan ay salat sa kaalaman kung paano ito gagamitin o ang benepisyong idudulot nito sa mga pasyenteng naghihirap sa matinding sakit sa panahon na naghihintay na lamang sila ng kanilang kamatayan.
Gayunman, binigyang-kasiguraduhan ni Dayrit na mayroon silang mahigpit na pagbabantay at istriktong pamamaraan upang matiyak na hindi masisindikato ang inangkat na drogang ito na kahilera ng shabu na may matinding psychological at behavioral effect kapag inabuso. (Ulat ni Andi Garcia)