Ayon kay Belmonte, umaabot sa P40 milyon ang nakalaan para sa 13th month pay samantalang ang P15 milyon ay nakalaan naman bilang cash gift.
Dahil dito, inatasan din ni Belmonte ang Office of the City Budget, Accounting at Treasury upang agad na ipalabas ang naturang pondo at maibigay na ang mga kaukulang benepisyo ng mga empleyado.
Maging ang mga elected officials ay makakatanggap din ng benepisyo.
Ipinaliwanag ni Belmonte na ang mga empleyado na makatatanggap ng insentibo ay yung mga nasa serbisyo pa ng Oktubre 31, 2001 at nagtrabaho ng apat na buwan.
Hindi naman makatatanggap ng insentibo tulad ng 13th month pay ang mga consultants at ang serbisyo ay nasa ilalim ng kontrata at nasa ilalim ng preventive suspension ng city government.
Sa kabila nito, umaabot naman sa 1,500 contractual employees ang posibleng mabiyayaan din ng P3,000 Christmas incentives.
Itoy matapos na ipanukala at inaasahang bibigyan ng prayoridad sa city council sa pagpapatuloy ng sesyon ngayong naipasa ang panukala na mabigyan ng Christmas benefits ang mga empleyado na sakop ng contract services.
Ang naturang panukala ay iniendorso nina Councilors Vincent Crisologo, Jesus Suntay at Elizabeth Delarmente. (Ulat ni Doris M. Franche)