^

Metro

13-anyos patay sa suntok ng kaklase

-
Isang 13-anyos na high school student ang iniulat na nasawi makaraang suntukin ito ng kanyang ka-klase kahapon ng umaga sa isang iskuwelahan sa Muntinlupa City.

Dead on arrival nang isugod sa Muntinlupa City Medical Center ang biktima na nakilalang si Chan Kenneth Soledeo, first year high school student sa Divine Mercy School at naninirahan sa Villa Olympia, San Pedro, Laguna.

Samantala, nakilala naman ang suspect na si Milo dela Cruz, 13, ng Chrysanthemum Village, San Pedro, Laguna.

Ayon sa salaysay ni Jerome Cabrera, kaklase ng dalawa kay PO3 Ronnie Tamondong, ng Muntinlupa Police naganap ang insidente dakong alas-8:30 kahapon ng umaga sa loob ng nabanggit na paaralan.

Nabatid na nag-away umano ang biktima at suspect sa hindi pa mabatid na dahilan.

Nagsuntukan umano ang dalawa hanggang sa mapuruhan ng suntok ni dela Cruz ang biktima na tumumba sa semento at nabagok ang ulo at nagsanhi ng agarang kamatayan nito.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CHAN KENNETH SOLEDEO

CHRYSANTHEMUM VILLAGE

CRUZ

DIVINE MERCY SCHOOL

ISANG

JEROME CABRERA

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY MEDICAL CENTER

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with