^

Metro

2 maid natangayan ng P 1-M sa 'dugo-dugo' gang

-
Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng pera’t alahas ang natangay ng miyembro ng "dugu-dugo gang" sa dalawang katulong kamakalawa sa Quezon City.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon sa tahanan ni Lily Chuangco, negosyante ng #44 Sualo St., Green Meadows Subd., amo ng mga nabiktimang sina Ana Zafra at Arsenia Tambiga.

Sa imbestigasyon, nakatanggap ng tawag sa telepono ang dalawang katulong habang wala ang amo at nagpakilala ang "caller" na kaibigan ni Chuangco. Sinabi ng caller na nakabangga at nabundol umano si Chuangco at kasalukuyang ginagamot sa isang ospital sa Caloocan City.

Dahil sa pangamba ng dalawang katulong sa maaaring mangyari sa kanilang amo, sinunod nila ang iniutos ng "caller" na kunin ang pera at alahas na nakalagay sa kaha-de-yero na nasa master’s bedroom. Iniutos na ihatid ang nakuhang salapi’t alahas sa Manila Central University Hospital kung saan isinugod ang kanilang amo at ang mga nabangga nito. Dito rin magaganap ang aregluhan dahil nakabangga rin ang kanilang amo.

Nang dumating ang amo ng dalawa ay laking gulat nito nang malamang wala na ang kanyang $900, HK$6,000 at mga mamahaling alahas sa kaha-de-yero. (Ulat ni Jhay Mejias)

ANA ZAFRA

ARSENIA TAMBIGA

CALOOCAN CITY

CHUANGCO

GREEN MEADOWS SUBD

JHAY MEJIAS

LILY CHUANGCO

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

QUEZON CITY

SUALO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with