^

Metro

Water refilling station, isasailalim sa inspeksyon kada 3 buwan

-
Oobligahin ng Quezon City Council ang mga water refilling station na sumailalim sa inspeksyon at laboratory testing kada tatlong buwan upang matiyak na ligtas at malinis ang mga iniinom at binibiling bottled waters ng mamamayan sa lungsod.

Batay sa ordinansa na iniharap nina QC Councilors Eric Medina, Jorge Banal at Janet Malaya, kailangan na sumailalim sa laboratory testing at inspeksyon ng city health officer ang sampol ng bottled water bago ito makapagpatuloy ng kanilang operasyon.

Ayon sa mga konsehal, matapos na sumailalim sa QC Health Office dadalhin muna ang mga sampol ng bottled water sa Bureau of Food and Drugs upang matiyak na walang anomalyang nangyari sa pagsisiyasat ng health office ng QC.

Sinabi ng mga konsehal na kailangan na madetermina kung kontaminado o hindi ang mga bottled water bago magamit ng publiko upang maiwasan ang anumang sakit dulot ng maruming tubig.

Maging ang mga ginagamit na pang-purified na tubig ay sisiyasatin din sa ilalim ng on-the-spot inspection ng City Health Department. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

BATAY

CITY HEALTH DEPARTMENT

COUNCILORS ERIC MEDINA

DORIS FRANCHE

HEALTH OFFICE

JANET MALAYA

JORGE BANAL

QUEZON CITY COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with