^

Metro

Dahil walang pondo sa retirement benefit: 310 nagretirong pulis babalik sa serbisyo

-
Umaabot sa 310 na retiradong pulis ang nagnanais na bumalik muli sa aktibong serbisyo habang wala pang pondong pambayad sa kanilang retirement benefits.

Ayon kay Chief Supt. Cresencio Maralit, PNP spokesman na ang nasabing bilang ay mula sa may 3,141 na kagawad ng pulisya na kumuha ng Early Retirement Program (ERP) noon pang Mayo 1998 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ang kanilang kaukulang benepisyo at hinihintay pa rin ang P1.195 bilyon na budget sa Department of Budget and Management (DBM).

Nabatid na nagdesisyong magbalik munang muli sa serbisyo ang naturang mga pulis para kahit papaano ay may matanggap silang suweldo kada buwan para maisuporta sa kanilang mga pamilya dahil na rin sa matagal na nilang paghihintay sa minimithing retirement benefits na hanggang ngayon ay nasa balag pa rin ng alanganin.

Dahil dito ay nagpahayag umano ng kahandaan ang mga nag-retiro nang PNP personnel na bumalik na lamang muli sa serbisyo

Nabatid na ang naturang ‘applications for reinstatement’ ay isinasaayos na ngayon ng mga empleyado ng Directorate for Personnel and Records Management. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

CHIEF SUPT

CRESENCIO MARALIT

DAHIL

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

EARLY RETIREMENT PROGRAM

JOY CANTOS

NABATID

PERSONNEL AND RECORDS MANAGEMENT

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with