Japanese developer ng gumuhong Cherry Hills subdiv
September 15, 2001 | 12:00am
Bumagsak sa mga elemento ng PNP-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) ang isang Japanese developer ng gumuhong Cherry Hills subdivision na kumitil sa buhay ng marami katao sa isinagawang operasyon sa Makati City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni PNP-CIDG director Chief Superintendent Nestorio Gualberto ang nadakip na si Hiroshi Ogawa, 39, developer sa nabanggit na subdivision at tumatayong general manager ng Philjas Corporation.
Ang naturang Hapones ay natunton ng operatiba sa tahanan nito sa Bel Air Condominium sa P. Burgos St., Makati City dakong alas- 6 ng umaga kahapon at dinakip sa bisa na rin ng ipinalabas na warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Felix Caballes ng Antipolo Regional Trial Court Branch 71.
Si Ogawa ay nasakote matapos ang halos dalawang taon nang maganap ang trahedya noong Agosto 1999.
Ang suspect ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree no. 957 o ang Subdivision and Condominium Buyers Protective Decree. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended