Sinabi ni Gloria Buenaventura, hepe ng Waste Management Office na may inaasahan silang dalawang ektaryang controlled dumpsite sa may Doña Petra, Barangay Concepcion na kanila na ring binakuran upang hindi mapasok ng mga scavengers.
Ayon sa kanya, ilan umano sa mga scavengers na ito ay kanila nang ginawang mga regular na empleyado ng City Hall bilang mga mangongolekta ng basura.
Tinuligsa rin ni Buenaventura si MMDA Chairman Benjamin Abalos sa pagpapalabas umano ng impormasyon tungkol sa balak na paggamit sa Rodriguez dumpsite kahit na hindi pa nakukumpleto ang proyekto.
Ang pagmamalaki umano nito ni Abalos ang naging dahilan ng pag-aalsa ng mga residente kaya muli na namang nabimbin ang pagkakaroon ng permanenteng dumpsite sa Metro Manila. (Ulat ni Danilo Garcia)