Pasay, Parañaque, Las Piñas at Bacoo

Walong oras na mawawalan ng tubig sa buong Las Piñas at Bacoor, Cavite at ilang bahagi rin ng Pasay at Parañaque City simula alas-10:00 ng gabi bukas Setyembre 12, 2001 hanggang alas-6:00 ng umaga kinabukasan.

Ayon sa Maynilad Water Services, Inc. na ang water service interruption ay dahil na rin sa ginagawang 1050 mm pipeline sa Roxas Blvd. sa kanto ng Redemptorist Road sa Pasay City at sa may Coastal Road.

Bukod sa Aguinaldo Hi-way at Panapaan 7, ang buong Bacoor ay maaapektuhan ng nasabing repair.

Sa Pasay City ang mga maaapektuhan ay ang MIA Road, Pildera I at II, Sun Valley, Casino Filipino at Rivera Village.

Samantalang sa Parañaque, naman ang mga maapektuhan ay ang Bgys. Baclaran, Tambo, Don Galo, La Huerta, Sto. Niño, San Dionisio, Vitalez, San Isidro, lower portions ng San Antonio, B.F Homes at Ninoy Aquino Avenue. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments