Misis huli sa aktong nagtataksil kay mister

Nagsampa ng kasong adultery ang isang driver laban sa kanyang misis na metro aide matapos mahuli sa aktong nakikipagtalik sa kasamahan nito sa trabaho, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Hindi na nagdalawang-isip si Romeo Sambrano, 38, ng 2160 Visaya St., Brgy. Guadalupe Nuevo na magsampa ng reklamo laban sa kanyang misis na nakilalang si Vilma, 29, dahil sa ginawang pagtataksil nito.

Ayon kay Sambrano, nauna siyang dumating sa kanilang bahay dakong alas-8 ng gabi subalit wala pa doon ang kanyang asawa. Inakala nito na na-trapik lamang ang kanyang misis kaya hindi pa ito nakakauwi.

Nang mainip si Sambrano, nagdesisyon na ito na sunduin ang kanyang misis sa panggagalingan nito sa Gil Puyat Avenue sa Brgy. San Isidro sa nabanggit na lungsod.

Dakong alas-9 ng gabi ng dumating doon si Romeo subalit laking gulat nito nang makita ang kanyang misis sa aktong nakikipagtalik sa kasamahan nitong metro aide na si Juanito Bautista.

Bagamat nakapag-kontrol pa sa sarili si Romeo ay nagdesisyon na lamang ito na sampahan ng kaso ang kanyang misis at ang kalaguyo nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments