Puro pasa at galos ang tinamo ni Theresa Gonzales, may-asawa sa Kalayaan C. Gao Area Commonwealth ng nasabing lungsod.
Dumulog kay PO1 Ireneo Cadelina ng Anonas Police Station 8 ng Central Police District si Gonzales upang ireklamo ang sinapit sa apat na kalalakihan na pawang nasa edad 20 hanggang 25-anyos na umanoy pumik-up dito dakong alas-2 ng madaling araw sa kahabaan ng Quezon Avenue.
Ayon sa biktima, makaraang kunin ang kanyang serbisyo sa halagang P500 na napagkasunduan ay isinakay ito sa kulay maroon na kotseng dala ng mga suspect at dinala umano sa madilim na lugar sa loob ng UP campus sa Diliman.
Nakipagtalik agad ang isa sa mga suspect kay Gonzales habang ang tatlo pang kasamahan nito ay nanonood sa kanilang pagtatalik. Ngunit makalipas ang ilang minuto at nakaraos na ang suspek ay biglang binugbog ang biktima at kinuha pa ang P500 na ibinayad dito. (Ulat ni Jhay Mejias)