Estudyante at walang pang 18 anyos na naninigarily

Cedula, voters identification card, drivers license at birth certificates.

Ito ang tanging maaaring gamiting armas ng mga estudyante at kabataan na nagkakaedad ng 18 pataas bilang patunay ng kanilang tamang gulang upang makaiwas sa paghuli ng awtoridad sakaling maispatang naninigarilyo sa Maynila.

Tatlong araw na pagkakakulong at multang P1,000 ang naghihintay na parusa sa sinumang wala sa tamang edad na mahuhuli na naninigarilyo.

Ito ay base na rin sa buod ng panukalang ordinansa ni Konsehal Danilo Varona ng Distrito 2.

Umani naman ng batikos sa ibang miyembro ng Konseho ang nasabing panukala dahil sa masyadong malupit umano ito para sa mga kabataan at lalo umanong maglalagay sa kamay ng mga mapagsamantalang pulis para sa "safety and security" ng mga kabataan.

Bagaman nagbanta ang minority block na patutulugin na lamang ang nasabing panukala, pipilitin ni Varona na maipasa ang ordinansa dahil sa suporta na binibigay dito ng kaalyadong alkalde na si Mayor Lito Atienza. (Ulat ni Andi Garcia)

Show comments