Sinabi ni Mayor Maridez Fernando na kinakailangan lamang umano ng mga mahihirap na pamilyang magsumite ng kanilang aplikasyon at mapatunayang kabilang nga sila sa naghihirap na pamilya sa lungsod.
Ayon dito, nakipag-ugnayan na umano sila sa lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang pagkukuhanan ng serbisyong ito.
Pinakilos naman nito ang Marikina Settlement Office (MSO) at Community Relations Office (CRO) upang matukoy ang mga pamilyang tunay na nangangailangan ng tulong ng pamahalaan.
Kabilang sa tulong na maibibigay ng lokal na pamahalaan ay ang pagpapahiram ng mga tents, lamesa, silya at pagbibigay ng libreng kabaong para paghimlayan ng namayapa nilang ka-pamilya.
Bukod dito, libre rin ang pagpapaembalsamo sa bangkay sa Santiago Funeral Parlor sa may Sta. Elena St., Marikina City. (Ulat ni Danilo Garcia)