Kaugnay nito, patuloy na nakikipag-ugnayan ang PNP sa mga embahada dito ng Vietnam, Thailand at Japan para makalikom ng karagdagang ebidensiya laban sa mga nadakip na suspects na sina Vo Van Doc, 41; Makoto Ito, 62 at Huyh Thuan Ngoc, 42.
Magugunitang ang tatlo, ayon sa ulat ay nagpaplanong bombahin ang Vietnamese embassy dito na isasabay sa Vietnams National Day.
Ang tatlo na pinaghihinalaang mga international terrorist ay kasalukuyang sumasailalim ngayon sa masusing interogasyon sa tanggapan ng IG sa Camp Crame.
Sa isinagawang raid, nasamsam sa bahay ng mga ito ang mga bomb-making materials tulad ng ammonium nitrate, wires na may improvised blasting caps, detonating cord, batteries at cellular phones.
Base rin sa Interpol reports, na ang mga components ng mga nasamsam na homemade bombs na narekober sa Vietnamese embassy sa Thailand at London ay kagaya rin ng nakuha sa San Juan. (Ulat ni Non Alquitran)