Buntis tiklo sa shabu

Isang 33-anyos na ginang na nag-iipon ng pera para sa nalalapit niyang panganganak ang inaresto ng pulisya makaraang maaktuhang nagbebenta ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Chief Inspector Jose Mario Espino ng WPD-Drug Enforcement Group ang nadakip na si Erlinda Geronimo, ng 510-F Callejon St., Tondo.

Nakumpiska dito ang ilang gramo ng shabu at shabu paraphernalias .

Sinabi ni Espino na matagal na nilang sinusubaybayan ang mga kilos ng suspect makaraang makatanggap sila ng impormasyon na isa itong tulak.

Ikinatuwiran naman ng ginang na kaya niya nakuhang magbenta ng droga ay bilang paghahanda sa nalalapit niyang panganganak. (Ulat ni Grace Amargo)

Show comments