^

Metro

Rapist ng grade 4 pupil hinatulan ng habambuhay

-
Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang laborer sa gumahasa sa isang grade 4 student sa loob ng bahay nito sa Quezon City , pitong taon na ang nakakalipas.

Batay sa desisyon na ipinalabas ni QC-RTC Judge Rogelio Pizarro, napatunayan na nagkasala ang akusadong si Dante Bantillo, 30, metal fabricator at residente ng Sto. Domingo St., Balingasa, Quezon City.

Base sa rekord ng korte, naganap ang insidente noong Oktubre 26, 1994 nang umuwi ang biktima mula sa eskuwela. Naghahanda na noon ng tanghalian ang biktima ng pasukin ng suspect sa kanyang bahay at doon pinagsamantalahan.

Natigil lamang ang panghahalay ng suspect nang dumating ang ama ng biktima.

Bukod sa habambuhay na pagkabilanggo pinagbabayad din ng korte ang suspect ng halagang P100,000 bilang civil at moral damages sa biktima. (Ulat ni Doris Franche)

BALINGASA

BATAY

BUKOD

DANTE BANTILLO

DOMINGO ST.

DORIS FRANCHE

HINATULAN

JUDGE ROGELIO PIZARRO

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with