Sinabi ni PNP-CIDG-Womens and Children Concerned Office (WACCO) Chief Inspector Felicidad Gido, duda sila sa ginawang pagpapakawala ni Manila Inquest Prosecutor Nelson Selva sa suspect na si Romeo Cardino, alyas Romy, 46 at brgy. kagawad sa 1327 Craig St., Sampaloc, Manila.
Si Cardino ay naunang nadakip ng Western Police District (WPD) noong Hulyo 9 matapos magsampa ng kaso ang magulang ng isang Grade-2 pupil na umanoy ginahasa nito sa loob ng CR ng eskuwelahan.
Nabatid sa sinumpaang salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Nene na nagpaalam ito sa kanyang guro upang magtungo sa comfort room kung saan bigla na lamang umano itong sinunggaban ng suspek at doon ginahasa matapos na busalan ang bibig ng bata ng isang kulay pulang panyo at talian ang mga kamay dahilan para hindi na makasigaw ang bata.
Inabot ng dalawamg linggo bago nakapagsumbong ang bata na nabulgar matapos usisain ng kanyang ina sa manakanakang pagdugo ng ari nito sa napansin sa nilalabhang panty nito.
Agad namang ipinaaresto nitong Hulyo 9 ng mga magulang ng biktima ang suspek ngunit isang araw lamang umano itong nakulong sa WPD Integrated Jail at pinakawalan base sa utos ng piskalya. (Ulat ni Joy Cantos)