Polio victim ginulpi ng pulis - Malabon
July 20, 2001 | 12:00am
Kahit na may kapansanan sa katawan ay walang awang ginulpi ito ng isang pulis Malabon matapos punahin nito ang pamangkin ng huli na umanoy nambato sa kanya kamakailan sa Tondo, Manila.
Kahapon lang pormal na nagharap ng reklamo si Alexander Bernardo, 23, binata, isang polio victim at residente ng 1489 Franco St., Tondo, Manila.
Inireklamo nito sa General Assignment Section ng WPD ang suspek na si PO1 Edwin Crisini na nakatalaga sa Malabon police.
Sa pahayag ng biktima sa pulisya na noong Hulyo 11 siya ay dumalo sa lunch despedida party ng isang kaibigan sa may Nicodemus St.,Tondo.
Nang pauwi na ang biktima matapos ang kasayahan ng alas-2:00 ng hapon ay isang lalaki ang nambato sa kanya ng bote.
Nilapitan ng biktima ang nasabing nambato at kinompronta kung bakit ito nambato.
Subalit lumabas ang suspek na armado ng baril at walang kaabog-abog na siya ay pinagpapalo sa ulo, mukha at ibang bahagi ng katawan.
Umawat naman ang kaibigan ng biktima pero ito rin ay tinutukan umano ng baril ng suspek.
Bunga ng takot ay naging piping saksi sa patuloy na pambubogbog ng pulis Malabon ang mga kasamahan ng bikitima.
Naratay sa pagamutan ng pitong araw ang biktima sa tindi ng gulpi na inabot nito sa pulis. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended