2 bomba, mga bala nahukay
July 17, 2001 | 12:00am
Dalawang bomba at ibat ibang uri ng mga bala ang natagpuan ng pulisya sa isang hukay sa construction site sa Pasay City.
Ayon kay Chief Inspector Wency Biswilan, hepe ng SWAT Team, Pasay City Police, ganap na alas-11:00 kahapon ng umaga nahukay ng mga manggagawa ang dalawang vintage bomb at mga bala mula ng matataas na kalibre ng baril habang naghuhukay ang mga ito sa ginagawang bahay ni Amelia Juban, sa 125 Valhalla St., ng lungsod na ito.
Laking gulat nila na mga bomba at bala ang nakabaon sa bakanteng lote na kanilang hinuhukay at nakaramdam ang mga ito ng matinding takot.
Kaagad na ipinagbigay alam sa nabanggit na himpilan ng pulisya ang mga nahukay na bomba at mga bala na naging dahilan upang rumesponde ang mga ito.
Nabatid na ang nasabing lugar ay posibleng ginawang taguan ng mga gerilya noong Ikalawang Digma-ang Pandaigdig. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest