Dancer nahulihan ng shabu sa ari

Bilangguan ang kinahantungan ng isang 16-anyos na dancer, matapos itong mahulihan ng shabu na nakatapal sa ari nito habang dadalaw sa kaibigang lalaki, kahapon ng tanghali sa Pasay City Jail.

Sa report na natanggap ni Supt. Augusto Retumban, jail warden ng Pasay City Jail, ang suspect na nadakip ay nakilalang si Carla Cleto, dancer ng Club Agogo Bananas na matatagpuan sa lungsod ng Makati.

Base sa imbestigasyon ni Jail Officer 1 Hernando Latap, naganap ang pagkadakip sa suspect dakong alas-11:52 ng tanghali.

Dadalaw sana ang suspect sa kaibigan niya na nakilalang si Philip Gardaba, na nakapiit sa nabanggit na kulungan sa kasong theft.

Habang nagsasagawa ng inspeksyon ang nakatalagang duty seacher na si JO3 Jemina Espinosa napansin nito ang kahina-hinalang kilos ni Cleto.

Dahil dito, kinapkapan ni Espinosa ang dalagita at lalong nagduda ang jail officer dahil sa hindi mapakali ang suspect at pinagpapawisan ito.

Napilitan ang jail officer na paghubarin ang dalagita at napansin na may tissue sa ari nito na nakatapal sa ari at nang pagpagin ay nahulog ang shabu. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments