Lacson, 37 iba pa makukulong sa Kuratong slay raps
June 8, 2001 | 12:00am
Nahaharap sa pagkaaresto at pagkakulong si Senator elect Panfilo Lacson matapos na tuluyang isampa kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang multiple murder charges laban sa kanya at 37 iba pa na may koneksyon sa umanoy naganap na rubout sa 11 Kuratong Baleleng noong nakalipas na Mayo 1995.
Bukod kay Lacson, kinasuhan din sa Quezon City court sina Chief Supts. Jewel Canson; Romeo Acop, Francisco Zubia, Senior Supts. Michael Ray Aquino, Cesar Mancao III, Glenn Dumlao at 31 pang police officers.
Sinabi ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuno na ang panel ng prosecutors na humawak sa preliminary probe ay nagrekomenda na walang piyansa para sa dating opisyal at tauhan ng binuwag na PAOCTF.
Ito ang pangalawang pagkakataon na ang criminal case ay iharap sa korte buhat noong Marso 1999, gayunman nilinaw ni Zuno na walang naganap na double jeopardy sa kaso dahil sa wala namang naganap na arraignment kahit noon pa man. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am