^

Metro

Malacañang wala ring tubig

-
Kahit palasyo ng Malacañang ay hindi nalibre sa pagkaputol ng serbisyo ng tubig ng Manila Water Services Inc. na nakaapekto sa malaking bahagi ng Metro Manila at kalapit na lalawigan na nagsimula noong Biyernes ng gabi.

Dahil sa kawalan ng tubig sa Palasyo, ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kasama si First Gentleman at mga anak ay nag-check in sa Manila Hotel.

Ang pagkaputol ng serbisyo ng tubig ay matatapos alas-9 ng gabi sa darating na Lunes ayon sa Manila Water Services Inc. ay magbibigay daan sa pagkakabit ng tubo ng tubig sa mga lugar na apektado ng itinatayong Metro Rail Transit.

Ang malaking epekto ng kawalan ng tubig ay naging daan para imungkahi ni Senador Blas Ople na maantala muna ng isang araw ang nakatakdang pagbubukas ng klase bukas sa mga paaralan sa mga lugar na wala pang tubig.

Sinabi ni Ople na ang kawalan ng tubig sa mga paaralan ay maaaring magbunga ng problemang pangkalusugan sa mga mag-aaral.

Hindi lang aniya ang mga bata ang maaapektuhan kundi maging ang mga guro at kawani ng paaralan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

FIRST GENTLEMAN

LILIA TOLENTINO

MANILA HOTEL

MANILA WATER SERVICES INC

METRO MANILA

METRO RAIL TRANSIT

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SENADOR BLAS OPLE

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with