Carthographic sketches ng mga Bonnet gang, ipinalabas

Nagpalabas kahapon si CPD Criminal Investigation chief, Supt. Raul Medina ng carthographic sketches ng tatlo sa anim na suspek na nanloob sa Equitable-PCI Bank, Congressional branch,Quezon City na ikinasawi ng security guard na si German Roquero.

Gayunman hindi muna binunyag ni Supt. Medina ang mga pangalan at kinaroroonan ng mga suspek upang hindi umano makaapekto sa kanilang gagawing pag-aresto sa mga ito.

Kinumpirma ni Medina, na Bonnet gang ang may kagagawan ng pang-hoholdap dahil sa estilo ng pagnanakaw ng mga ito sa bawat banko. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

Show comments