Binata ni-resbakan ng nakaaway, napatay
May 25, 2001 | 12:00am
Isang 17-anyos na binata ang napatay matapos na ito ay barilin sa mukha ng isa sa grupong scavenger na rumesbak dahil sa panggugulpi ng una sa isa sa mga suspek kahapon ng madaling araw sa Tondo, Manila.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Jay Simbulan, ng San Sebastian St., Tondo dahil sa tinamong tama ng bala sa mukha.
Isinasailalim sa imbestigasyon ang isa sa mga suspek na naaresto na nakilalang si Ramil Anchuela, alyas Omek, 16, ng Parola Compound, Tondo habang pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang dalawa nitong kasamahan na nakilala lamang sa pangalang Joel at Zaldy, kapwa 17-anyos at residente rin sa nasabing lugar.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na bago naganap ang pamamaril sa biktima ay naglalaro ito ng basketball kasama ang lima nitong kaibigan nang sila ay pagbabatuhin umano ng mga suspek.
Gumanti ang mga ito sa pambabato ng mga suspek subalit agad na naawat ito ng mga tao na nandoon sa nasabing lugar.
Matapos ang batuhan ay umuwi na rin ang biktima kasama ang mga kalaro sa basketbol nang mamataan nila si Anchuela na nagkakalkal ng basura at ito ay pinagtulungang gulpihin.
Agad na nagtatakbo si Anchuela at humingi ng tulong sa kanyang mga kasamahang scavenger at hinabol ng mga ito ang grupo ng biktima hanggang sa magpaputok umano ng baril ang suspek na si Joel at tinamaan sa pisngi ang biktima. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended