Sina Marquez, Parañaque City Treasurer Silvestre de Leon at Assistant City Treasurer Liberato Carabao ay sinampahan ng kasong plunder ni Armando Ronda, isang negosyante sa nabanggit na lunsod.
Base sa isinumiteng reklamo sa Ombudsman, nakasaad dito na magkakasabwat umanong nilustay nina Marquez ang kaban ng bayan ng pamahalaang lunsod na may kabuuang halagang umaabot sa P197,828,653.06.
Nabatid na hindi umano nag-remit ang nabanggit na mga opisyal noong Disyembre 31, 1999.
Ayon pa kay Ronda, base sa mga dokumentong kanilang nakalap, nagkaroon umano ng katiwalian sa pondo ng nabanggit na pamahalaang lokal, kaya’t isinampa nila ang kasong plunder sa nabanggit na mga opisyal.
Samantala, sinabi naman ng kampo ni Marquez na pawang mga black-propaganda lamang ang ipinakakalat ng kanyang mga kalaban at walang katotohanan ang inaakusa sa kanya.
Handa anila, nitong harapin ang anumang kaso dahil malinis ang kanyang konsensya.(Ulat ni Lordeth Bonilla)