Kasabay naman nito, nakatakda na ring lumaya ngayon ang may 58 pang supporters ng dating Pangulo na napiit naman sa WPD headquarters.
Ang mga napiit na karamihan ay mahihirap ay napiit sa himpilan ng pulisya ang paglaya ng mga ito ay isinagawa makaraang mamagitan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), si Pampanga Gov. at Urban Poor Secretary Lito Lapid at ang Department of Justice.
Ayon kina DSWD Secretary Dinky Soliman at DOJ Usec. Manuel Teehankee na ang kanilang hakbang ay base na rin sa direktiba ni Pangulong Arroyo na tulungan ang mga supporters ng dating Pangulo na naaresto matapos ang karahasan na naganap sa Mendiola noong nakalipas na Mayo1.
Si Lapid naman na siyang bagong luklok na Urban Poor Secretary ang siyang nanguna kahapon para sa pagpapalaya ng mga detainees.
Samantala, nakiusap naman si Lapid sa mga pinalaya na lumutang kung kailan ang mga ito sa isasagawang pagdinig dahil sa siya naman ang mananagot sa mga awtoridad kung tatakas ang mga ito.
Walo naman sa 58 detainees sa WPD ang ipapasok sa rehabilitation centers dahil sa pagiging positibo ng mga ito sa droga. (Mga ulat nina Joy Cantos at Andi Garcia)