Nauna nang ipinaabot ni Abida Azni, biyuda ng Indian na si Amiz Azni, na maililigtas lamang ang buhay ng Pinoy OFW na si Ramil Angeles, kung maibibigay sa kanya ang naturang halaga.
Ayon kay Atty. Raul Dado ng Office of Legal Assistance for Migrant Workers Affairs (OLAMWA), ito umano ang unang pagkakataon na nagbigay ng tulong pinansiyal ang PAGCOR.
Sinabi ni Dado na nakatakdang lumuwas ngayong Abril 22 si Atty. Gil Salceda ng OLAMWA para sa pormal na pagbabayad na idadaan sa embahada ng New Delhi.
Ayon naman kay Dado, kahit nakapagbigay ng blood money, hindi nangangahulugan na makakalaya na si Angeles dahil ang pagkakapugot lamang ng ulo o buhay nito ang maisasalba dahil magsisilbi pa ito ng 15 taong pagkabilanggo sa Oman.
Pero sinabi ni Dado na madali na umanong lakarin ang tuluyang kapatawaran ni Angeles at posibleng pagpapalaya sa kanya. (Ulat ni Rose Tamayo)