Bagamat hindi tuwirang tinutumbok ang hangarin na si Belmonte ang magmana sa kanyang tanggapan sa Quezon City Hall, mas makabubuti umanong ito ang mangasiwa sa lungsod dahil sa karanasan at mga serbisyong naipakita na ng Speaker sa mga taga-Quezon City.
Bukod pa umano ito sa pagkakaroon ni Belmonte ng sapat na makinarya, magandang partido na kanilang kinaaaniban.
Ayon kay Mathay, si Belmonte ang hinahanap ng mga taga-Quezon City para maipagpatuloy at madagdagan pa ang mahusay na serbisyo na ipinatutupad sa lungsod.
Naging mabango at nag-top sa survey si Belmonte sa hanay ng mga kandidato sa pagka-alkalde sa QC, dulot na rin ng "SB" o "Serbisyong Bayan" project sa lungsod tulad ng pagtatayo ng mga paaralan, naglalaan ng programang pabahay, pangkalusugan, pang-edukasyon at imprastraktura sa lungsod.
Una nang binanggit ni Belmonte na itutuloy ang krusada sa pamamahagi ng lupa sa mga mahihirap at pagpapahusay ng kabuhayan ng mga taga-lungsod. (Ulat ni Angie dela Cruz)