Sinabi ni LTO Assistant Secretary Edgardo Abenina, nasakote ang naturang mga pekeng empleyado matapos na magpakawala ng mga undercover agent mula sa PNP-Traffic Management Group na nagpanggap na mga kostumer na siya namang nilapitan ng mga pekeng empleyado at inalok na ilalakad ang kanilang papeles ng mabilis kapalit ng tamang presyo.
Nakumpiska sa mga suspek ang genuine na mga LTO IDs. Sinabi ng LTO na natukoy na nila kung kanino nakakuha ng tunay na ID ang mga ito at kung sino ang kontak nila sa loob na umanoy mga matataas na opisyal ng LTO.
Inamin ng mga naaresto na tumatanggap sila ng P280 kada araw bilang kabayaran sa kanilang trabaho mula sa kanilang kontak bukod pa ang hinihingi nilang dagdag sa kanilang mabibiktima. (Ulat ni Danilo Garcia)