Sinabi ni Acting Environment Secretary Joemari Gerochi na hindi dapat puntahan at languyan ng mga tao ang Manila Bay dahil sa mataas ito sa coliform content at phospates na maaaring maging sanhi ng ibat-ibang uri ng sakit sa balat.
Ang sinuman na makaka-inom ng tubig kapag naligo dito sa Manila Bay ay maaaring magkaroon ng diarrhea at sakit sa bato na dulot ng E-Coli infection na nagmula sa isang virus mula sa dumi ng tao.
Mataas din umano ang phospates sa nasabing baybayin dahil sa langis at grasa na naitatapon dito.
Ligtas namang kainin ang mga pagkaing dagat sa Manila Bay. (Ulat ni Angie Dela Cruz)