Army captain vs rookie cop nagbarilan
March 17, 2001 | 12:00am
Kapwa sugatan ang isang kapitan ng Philippine Army at isang bagitong pulis matapos na magduwelo ang dalawa sa gitna ng isang kalsada, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Parehong nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa kanang hita sina Capt. Rodrigo Laroza, nakatalaga sa AFP General Headquarters sa Camp Crame at PO1 Allan Angara, nakatalaga sa Mandaluyong police at residente ng Bgy. Palatiw, Pasig City.
Ginagamot ngayon sa Rizal Medical Center si Angara habang isinugod naman sa Pasig City General Hospital si Laroza.
Sa kanilang pahayag sa pulisya, sinabi ni Angara na sakay umano siya ng isang motorbike kasama ang kaibigang si Reynaldo Pagtama dakong alas-10:30 ng gabi nang mamataan ang mga lasing umano na sina Laroza sa may kanto ng Tramo at Ortigas Avenue.
Nang mapadaan sila sa tapat ng mga ito, pinagmumura umano sila ni Laroza sanhi upang tumigil siya. Nagpakilala umano siyang pulis at tangkang arestuhin si Laroza nang magbunot umano ito ng kalibre .45 at dalawang beses siyang pinaputukan.
Dito na umano siya nagbunot din ng kanyang 9mm na baril at gumanti ang pulis sa kalaban.
Sinabi naman ni Laroza na patawid umano sila ng lima niyang kasamahan nang mapadaan si Angara at murahin sila. Galit umano itong bumaba at tinutukan sila ng baril kasabay ng pagmumura. Idinagdag pa nito na pinalo siya ng baril ni Angara ngunit wala namang nakitang galos sa katawan nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended