Truck vs traysikel: tanod todas, 2 pa grabe

Isang barangay tanod ang nasawi samantalang dalawang kasama pa nito ang nasa kritikal na kondisyon matapos na sumalpok sa isang trailer truck ang sinasakyang Bgy. Tricycle Patrol ng mga ito, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Darwin Adan, 30, ng Maligwas st., 10th Ave.
Samantalang kasalukuyan pa ring ginagamot sa nasabing pagamutan ang mga kasama nitong sina Ferdinand Mangonan, 28, at Domingo Maglinte, 41, pawang residente ng Maligwas st., 10th Ave. ng nasabing lungsod.

Sumuko naman sa pulisya si Alejandro Madrid Jr., 42, ng #30 Bo. Bada Batas Ilocos Norte at driver ng trailer truck na may plate no. WDA-687.
Napag-alaman na ang mga biktima ay mga lasing umano sa alak kung kaya’t dahil sa sobrang kalasingan ay hindi napansin ng mga ito ang paparating na trailer truck. (Ulat ni Grace Amargo)

Show comments