Magiging kandidato ni Lim sa pagka-bise alkalde si Konsehal Roger Gernale na kasalukuyang konsehal ng ika-5 distrito ng Maynila at minority floorleader ng konseho.
Si Lim na dating kalihim ng DILG na nagsilbi ring mayor ng Maynila sa loob ng anim na taon matapos dalawang beses na mahalal para sa parehong posisyon ay tatakbong independent sa ilalim ng kanyang sariling partido, ang KKK-LABAN.
Inaasahan namang magiging mainit ang labanan ng mga kandidato sa Caloocan City matapos magsumite ng kani-kanilang certificate of candidacy ang mahigpit na magkalaban sa pulitika na sina Congressman Luis "Baby" Asistio at incumbent Mayor Reynaldo Malonzo, kahapon sa Comelec ng naturang lungsod.
Samantala, opisyal nang idineklara ni Senate President Aquilino "Nene" Pimentel Jr. ang batikang pulitikong si Ricardo "Ding" Santos bilang kandidato nito sa pagka-alkalde sa Pasay City sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa nalalapit na May 14 elections.
Si Santos ay nanumpa kasama ang may 14 pang kandidato sa tanggapan ni Pimentel na tumatayong chairman ng nasabing partido.
Naniniwala si Pimentel sa kapasidad ni Santos na mananalo sa halalan dahil sa tapat at malinis nitong pamamaraan. (Ulat nina Andi Garcia/Gemma Amargo)