^

Metro

Lady agent ng PAOCTF nabaril ang sarili dahil sa kalasingan

-
Isang lady agent ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ang aksidenteng nabaril ang sarili dahil sa sobra umanong kalasingan matapos makipag-inuman sa kasamang police officers sa loob ng isang restoran sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Si PO2 Desiree Peñalosa, 32, dalaga, ay idineklarang dead on arrival sa Chinese General Hospital. Isang follow-up investigations na ang isinasagawa para sa anumang posibilidad ng foul play.

Inimbitahan para tanungin ang mga kainuman ng biktima na sina Supt. Omar Quirubin, ng PNP-Maritime Group; Insp. Michael Co, ng PNP-Crime Lab; Manuel Sanchez, retired officer ng US Navy, at isang Gilmar Vidanes.

Nabatid sa report na naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa Dencio’s Grill sa Scout Albano st., Tomas Morato kung saan ang biktima at mga kaibigan ay nag-inuman.

Ayon kay Insp. Rudy Jaraza, ng Central Investigation Unit, nagpunta sa restroom ang biktima para mag-alis ng tama ng alak, nang biglang makarinig ang head waiter na si Mike Brosas ng isang putok ng baril na nagmula sa ladies room.

Dito ay natagpuan niya ang biktima na nakahandusay sa sahig at duguan. Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan na naglagos sa kanyang balakang.

Narekober sa crime scene ang lisensiyadong armas ng biktima, isang 9mm caliber pistol at isang basyo ng bala. (Ulat ni Rudy Andal)

CENTRAL INVESTIGATION UNIT

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CRIME LAB

DESIREE PE

GILMAR VIDANES

ISANG

MANUEL SANCHEZ

MARITIME GROUP

MICHAEL CO

MIKE BROSAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with