Comelec nanawagan sa mga botante sa QC
February 15, 2001 | 12:00am
Nanawagan kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa Quezon City sa mga residente dito na kung maaari ay magsipagtungo na sa kanilang mga presinto at bisitahin ito para alam na nila kung saan pupunta sa pagboto at maiwasan ang mga problema ng pagkawala ng kanilang mga pangalan sa Election Day sa Mayo.
Sinabi ni Atty. Lope Gayo, supervisor Comelec-QC, numero unong problema sa Quezon City ang pagkawala ng mga botante dahil sa wala silang kaalam-alam kung saang presinto sila boboto at kung nasaan nakatala ang kanilang pangalan sa hanay ng mga botante sa kanilang lugar.
Karaniwan umano itong nangyayari sa mga matatandang botante na may pagkakataon na malipat ang pangalan nito sa ibang presinto dulot ng dumaming botante.
"Kung alam natin kung saan distrito tayo nabibilang at kung saan nakatala ang ating pangalan sa mga presinto natin, hindi na tayo mahihirapang hanapin ang mga pangalan natin sa araw ng eleksyon," pahayag ni Atty. Gayo. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended