Parking boy pinasabog ang ulo habang nagmamakaawa
February 7, 2001 | 12:00am
Kahit na nakaluhod at nagmamakaawa ang isang 35-anyos na lalaki na huwag siyang patayin, ito ay hindi pinakinggan ng suspek at walang awang binaril ng dalawang beses sa ulo kahapon ng madaling-araw sa San Miguel, Quiapo, Maynila.
Tiniyak ng hindi pa nakikilalang suspek na hindi niya bubuhayin ang biktima na si Ismael Manlunas, alyas Jon-jon, parking boy ng J.P. Laurel, Quiapo, nang ito ay iwanan ng mga suspek sakay ng isang Tamaraw FX, may plakang UKK-439.
Sa pagsisiyasat ng pulisya na bandang alas-4:45 ng madaling-araw ay nakaupo at nagbabasa ng diyaryo ang biktima nang lumapit ang isa sa tatlong suspek na armado ng baril.
Nang matunugan ng biktima na siya ang pakay ng suspek ay mabilis itong nagtatakbo subalit hinabol naman siya hanggang sa maabutan.
Lumuhod ang biktima at nagmamakaawa na huwag siyang patayin subalit ang kasunod noon ay dalawang beses na pagbaril sa ulo nito. Kahit na nakabulagta ang biktima ay binaril pa rin upang tiyaking patay na ito.
Naglakad lamang ang suspek na tila walang nangyari patawid sa Nagtahan Road at saka sumakay sa naghihintay na FX na may lamang dalang kalalakihan. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest