Lumalabas sa imbestigasyon ni Supt. Roberto Villanueva ng Navotas Police, dakong alas 11:30 ng gabi ng makatanggap siya ng tawag sa telepono at inirereklamo ang pagbubungkal ng kalsada sa tapat ng simbahan ng Iglesia Ni Cristo na nasa kahabaan ng M. Naval st., San Jose nasabing bayan.
Nang rumesponde ang mga tauhan ng Navotas Police ay naaktuhan nila ang mga suspek na sina Armando Suliano, 36; Nestor Faustino, 42, at Alfredo Mallari, 42, na nagbubungkal.
Nang hanapan ng permit, mula sa munisipyo ay walang maipakita ang tatlo kahit isang papeles at sinabing may aayusin lamang silang sirang tubo sa nasabing lugar.
Nakakulong ang tatlo at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Municipal Ordinance 142 o illegal excavation. (Ulat ni Gemma Amargo)