Ama inutas habang karga ang anak

Isang ama ang napatay habang kritikal ang anak nitong paslit ng pagbabarilin ng shotgun ng hindi nakilalang lalaki habang karga nito ang anak, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Wasak ang dibdib ni Ivan Ocena, 32, ng Everlasting st., Lower Jasmine, Bgy. Payatas, QC. Malubha naman sa Fairview General Hospital ang anak nitong si Sherlyn, 1 1/2 taon.

Sa ulat ni SPO1 Efren Sobrepeña ng Central Police District-Criminal Investigation Unit, nabatid na dakong alas-9 ng umaga kahapon habang karga ng biktima ang kanyang anak di kalayuan sa kanilang bahay ng bigla na lang barilin ng suspek at mabilis na tumakas.

Isang follow-up operations na ang isinasagawa upang matukoy ang suspek at maaresto, samantala di pa batid ang motibo ng pagpatay. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments