^

Metro

NAIA naparalisa

-
Nabulabog kahapon ang daang empleyado at libu-libong pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang sumabog ang main underground electrical installation nito na nagresulta ng mahigit isang oras na brownout na nagparalisa sa halos lahat ng international at domestic flights na dumarating at umaalis sa NAIA terminal 1 at Centennial Terminal 2.

Sa report na natanggap ni PNP C/Supt. Marcelo Ele Jr., director ng PNP Aviation Security Group, ang power failure ay naganap dakong alas-10:40 ng umaga kahapon na sinasabing faulty wiring sa manhole ng VIP parking sa Centennial Terminal 2.

Gayunman, nilinaw ng Airport officials na hindi ito sabotage at ang pagsabog ay sanhi umano ng pagkislap mula sa electrical cable na nagpaningas dito.

Nagsara ang central airconditiong system, baggage conveyors at mga computers na nagparalisa sa mga serbisyo at nagdulot ng pagkabalam sa daang plane passengers.

Ang mga pasahero na dumating mula sa tatlong international flights ay pinadaan sa portable chairs at hindi sa air bridges.

Ayon kay Elpidio Mendoza, assistant general manager, hindi ito sanhi ng bomba at ang pangyayari ay isang aksidente.

Isang imbestigasyon na ang isinasagawa para matukoy ang nasabing pagsabog na sumira sa cable na nakalagay sa underground electrical facility. (Ulat ni Butch Quejada)

AVIATION SECURITY GROUP

AYON

BUTCH QUEJADA

CENTENNIAL TERMINAL

ELPIDIO MENDOZA

GAYUNMAN

ISANG

MARCELO ELE JR.

NABULABOG

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with