Ayon kay Binay, tinawagan siya kamakalawa ng gabi sa cellphone ng bagong talagang Executive Secretary Renato de Villa para sabihing binabawi na ng Pangulo ang nauna nitong pagpayag na ituloy niya ang pamamahala sa MMDA.
Nauna nang nagsumite ng kanyang resignation letter si Binay matapos makapanumpa bilang bagong pangulo si Arroyo, pero sinabihan anya siya ng bagong lider na tutal ay kakandidato itong alkalde sa lunsod ng Makati sa darating na halalan sa Mayo ay ituloy na nito ang pamumuno sa MMDA, kasabay ng hindi pagtanggap ni Pangulong Arroyo sa kanyang pagbibitiw.
Subalit bigla siyang tinawagan ni de Villa at sinabing binabawi na ng Pangulo ang nauna nitong pahayag, dahilan para magsumite siyang muli ng resignation letter. (Ulat ni Lordeth Bonilla)