Naaresto ang mag-asawang suspek na sina Valeriano Villara, 34, vendor, at misis na si Veronica, pawang nakatira sa Seminary road, Bahay-Toro, QC.
Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Cute, bandang alas-9 kamakalawa ng gabi ng yayain umano siya ng mag-asawa na manood ng VHS tape sa bahay ng mga ito.
Pinaunlakan ito ng dalagita, pero nabigla siya ng makitang "bold" ang kanilang papanoorin hanggang sa hindi na siya palabasin at simulan nang hubaran ni Valeriano, habang tuwang-tuwa naman sa panonood ang misis nito.
Sampung ulit umanong ginahasa ng lalaki ang biktima sa kabila ng pagmamakaawa sa maybahay nito na awatin ang kanyang mister, pero binalewala ito ng ginang kung saan abala ito sa "pagsasariling-sikap" na makaraos habang pinanonood na ginagahasa ng kanyang mister ang biktima.
Isang kapitbahay ang nakakita sa biktima na paika-ikang naglalakad pauwi at tila tulala at ng tanungin ay ipinagtapat nito ang ginawa sa kanya ng mga suspek hanggang sa samahan nito sa pulisya at magreklamo.
Naaresto ang mag-asawa at kasalukuyang nakakulong sa CPD station 3 at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Rudy Andal)