Kinilala ang biktimang si Freddie Carino, 32, residente ng #1813-B Evangelista st., Bgy. Bangkal.
Ayon kay SPO1 Lewelle Cristobal ng Homicide Section ng Makati police, kumain ng tapsilog sa isang restoran si Carino kasama ang kanyang kasosyo sa negosyong auto supply na nakilalang si Renato Quiazon. Matapos kumain ay bumalik na ang dalawa sa tindahan at nagpahinga ng bigla na lamang makita ni Quiazon na naninigas ang biktima at agad namatay.
May hinala naman ang pulisya na inatake sa puso si Carino dahil sa kabusugan dulot ng naparaming kain ng tapsilog.
Bago ang insidente ay matagal na umanong nakakaramdam ng pananakit ng dibdib ang biktima pero binabalewala lamang umano niya ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)