Itoy matapos na ipahayag kahapon ni Josie Genesera, spokesperson ng Task Force Red Tide ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na libre na sa red tide organisms ang lahat na mga shellfish mula sa Manila bay matapos ang isang laboratory sampling na ginawa ng ahensiya.
Kaugnay nito, inalis na ang ban sa pagkain ng shellfish mula naman sa baybayin ng Sorsogon makaraang makitang wala nang lason ng red tide sa naturang baybayin.
Gayunman, sinabi ni Genesera na ipinagbabawal pa rin ang pagkain ng shellfish sa mga baybayin ng Zambales, Masbate, Zamboanga del Sur at Davao Oriental. (Ulat ni Angie dela Cruz)