^

Metro

Holdaper ‘namasko’ sa gasolinahan, walang nakuha, sekyu ang tinodas

-
Isang kapangalan ng aktor na si Eddie Gutierrez ang nasawi makaraang bagsakan ng bato sa ulo saka binaril ng apat na hindi nakikilalang holdaper na "namasko" sa tinatanuran nitong gasolinahan sa Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Eduardo Gutierrez, nasa hustong gulang, security guard at nakatalaga sa Caltex gas station sa Litex Road, Commonwealth, QC.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-4 ng madaling-araw kahapon habang nagtatanod ang biktima sa naturang gasolinahan nang lapitan at tutukan ito ng apat na hindi nakikilalang lalaki.

Isa sa mga suspek ang kumuha ng malaking tipak ng bato saka hinataw sa ulo ang naturang security guard. Nagtungo ang mga suspek sa kaha ng naturang gas station na noon ay nakasara pa hanggang sa matuklasan nitong walang laman ang kaha.

Dahil sa sobrang galit ng "namamaskong" holdaper ay binalikan nito ang nakalugmok na sekyu at kinuha ang service firearm nito na kalibre .38 saka ibinaril sa ulo ng biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek na "empty-handed" habang namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang guwardiya. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

CALTEX

DAHIL

EDDIE GUTIERREZ

EDUARDO GUTIERREZ

ISA

ISANG

LITEX ROAD

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with