Hindi na umabot pa ng buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Amado Medina, ng 22 Sitio Jasmin, Niugan, ng nasabing bayan.
Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Nestor Ramirez, 40, at residente rin ng nasabing lugar na mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima matapos na puwersahang pumasok dito ang suspek.
Bago pa umano maganap ang pananaksak ay nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima at hinahanap ang isang Eddieboy Paras na umanoy kaibigan ng huli.
Sa pag-aakalang itinatago ng biktima si Paras na may atraso kay Ramirez ay puwersahan umano itong pumasok sa bahay bago bumunot ng patalim at sinaksak ang una na naging sanhi ng kamatayan nito. (Ulat ni Gemma Amargo)