Mister pinatay ng kalaguyo ni misis

Para umano masolo ang karelasyong ginang, pinalo sa ulo hanggang sa mapatay ng pedicab driver ang mister ng una, kahapon ng madaling araw sa Dulong Tangos, Navotas.

Namatay sa lugar ng insidente ang biktimang si Ronald dela Cruz, ng Bgy. Daang Hari sanhi ng pagkabasag ng bungo.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Michael Toldan, 25, stay-in sa F/V Jestoni fishing boat.

Sa ulat ni Supt. Roberto Vilanueva, hepe ng Navotas police, naglalakad ang biktima patungo sa bahay ni Toldan upang komprontahin ito hinggil sa umano’y nadiskubre nitong pagtataksil ng kanyang misis at suspek.

Pero nabigla ang biktima ng makasalubong ang suspek at lapitan saka hinataw ng matigas na bagay sa ulo.

Nang makita nitong nagkikisay ang biktima ay tumakas ito dala ang ginamit sa pagpatay.

Napag-alaman na pinagbalakan na umano ng suspek na patayin si dela Cruz matapos mabatid ng biktima ang lihim na relasyon nila ng asawa nito.

Para masarili ang ginang ay isinakatuparan nito ang maitim na balak. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments